Typhoon Julian nakalabas na ng bansa; isa pang bagyo sa labas ng bansa, LPA sa Surigao del Sur binabantayan ng PAGASA
Nakalabas na ng bansa kagabi ang Typhoon Julian na mayroong international name na “Maysak”.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 785 kilometers north northeast ng extreme Northern Luzon.
Lumakas pa ito at taglay na ang lakas ng hanging 175 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers bawat oras.
Ang bagyo ay kumikilos sa direksyong north-northwest sa bilis na 25 kilometers bawat oras.
Samantala, isang bagyo na nasa labas pa ng bansa ang binabantayan din ng PAGASA.
Ang tropical depression ay nasa layong 2,415 kilometers east ng extreme Norther Luzon.
Taglay naman nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansang papasok ito sa bansa.
Mayroon ding Low Pressure Area na nabuho sa silangang bahagi ng Surigao del Sur.
Sa weather forecast ngayong araw, ang Zambales, Bataan at Occidental Mindoro ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Habagat.
Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes at Babuyan Island at hindi pinapayagang pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.