Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City, 11,464 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Quezon City.

Sa huling datos ng Quezon City Health Department (alas-8 ng umaga ng Lunes, August 31), umabot na sa 11,464 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ang nasabing mga kumpirmadong kaso sa lungsod ay validated na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,996 naman ang aktibong kaso na patuloy na nagpapagaling.

9,045 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 423 ang nasawi.

Nasa 11,673 naman ang suspected COVID-19 cases kabilang na ang mga natukoy sa isinasagawang mga contact tracing.

Read more...