Typhoon Julian lumakas pa; panibagong bagyo namataan ng PAGASA sa labas ng bansa

Lumakas pa ang Typhoon Julian habang papalabas ito ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 700 kilometers Hilagang Silangan ng Basco Batanes.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometers bawat oras.

Kumikilos na ang bagyo sa bilis na 35 kilometers bawat oras sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.

Patuloy na hinahatak ng Typhoon Julian ang Habagat.

Inaasahang ngayong gabi ay lalabas na din ng bansa ang bagyong Julian.

Samantala, isang panibagong bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ang tropical depression ay huling namataan sa layong 2,550 kilometers east ng Extreme Nothern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...