70-anyos na lalaki patay matapos pagbabarilin ng ‘nakainom’ na sundalo

By Dona Dominguez-Cargullo August 31, 2020 - 12:53 PM

Nasawi ang isang 70-anyos na lalaki sa Malingin Island sa bayan ng Bien Unido sa lalawigan ng Bohol.

Nagtamo mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Leopoldo Justiniane Saligan matapos barilin ni Corporal Reymund Casiple.

Ayon kay Police Staff Sergeant Romelito Avenido, batay sa testinomnya ng mga nakasaksi, kasama ni Saligan ang mga pamangkin niya nang mangyariang insidente, Linggo ng hapon.

Dumating umano sa lugar si Casiple, a na noon ay nakatalaga sa Malingin Island bilang miyembro ng 47th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ayon kay Metchelle Concon, pamangkin ng biktima, inakaya ni Casiple na siya ang kanilang pinag-uusapan.

Halata din ayon kay Concon na nakainom ang sundalo.

Nagpaliwanag pa si Saligan at sinabing hindi nila pinag-uusapan si Casiple.

Pero agad bumunot ng baril ang sundalo at pinagbabaril ang biktima.

Kusa namang sumuko si Casiple sa kapitan ng barangay sa lugar matapos ang insidente.

Nakakulong siya ngayon sa Bien Unido police station.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bien Unido, Bohol, crime, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, soldier, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bien Unido, Bohol, crime, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, soldier, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.