Hindi nakatiis; 4 arestado sa pag-iinuman sa Baguio City isang araw bago bawiin ang pag-iral ng liquor ban

By Dona Dominguez-Cargullo August 31, 2020 - 11:40 AM

Apat na lalaki ang inaresto dahil sa pag-iinuman sa pinagtatrabahuhan nilang construction site sa Baguio City.

Nadakip ang apat matapos na hindi makapaghintay lalo’t ilang oras na lang naman ay babawiin na ang pag-iral ng liquor ban sa lungsod.

Simula bukas, Sept. 1 ay lifted na ang liquor ban sa Baguio.

Pero hindi na ito nahintay nang magkakatrabahong sina Oscar Labadan, 44; Lugie Basada, 34; Hector Bale, 38 at Jay Basada 22 anyos.

Ang apat ay pawang manggagawa ng Gold Faith Incorporated sa Laguna na mayroong housing project sa Baguio.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kahit ilang oras na lang ay lifted na ang liquor ban, papanagutin pa rin ang apat.

 

 

 

TAGS: baguio city, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, liquor ban, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, baguio city, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, liquor ban, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.