Typhoon Julian bahagyang bumilis, patungo na ng Japan – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo August 31, 2020 - 11:25 AM

Bahagyang bumilis ang kilos ng Typhoon Julian na nananatili sa karagatan ng Pilipinas.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 710 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong nort northwest sa bilis na 30 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA kumikilos na ang bagyo patungong Miyako at Okinawa Islands.

Inaasahang mamayang gabi o bukas ng umaga ay lalabas na ito ng bansa.

Ngayong araw, ang Habagat ang magppaulan pa rin sa northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands.

Gayundin sa Batanes at Babuyan Islands.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, julianPH, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Julian, weather, Inquirer News, julianPH, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Julian, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.