3 taong gulang na batang babae tinangay ng saranggola sa Taiwan

Natangay pataas ng saranggola ang isang tatlong taong gulang na batang babae sa Taiwan.

Ilang metro din ang inilipad ng saranggola tangay-tanay ang bata bago ito nahatak ng mga tao sa lugar.

Ang bata ay kabilang sa mga nagtungo sa Nanlioao Town para saksihan ang kite festival kahapon araw ng Linggo.

Pero nahila siya ng giant, long-tailed na saranggola.

Bagaman nagdulot ng takot sa bata ay ligtas naman ito at hindi nasugatan sa nangyari.

 

 

 

Read more...