Comelec naglabas ng guidelines para sa pagsisimula ng voter registration bukas

Muling magre-resume ang voter registration bukas September 1.

Kaugnay nito naglabas ng mga paalala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko sa mga ipatutupad na health protocols sa Comelec offices.

Ayon sa Comelec, ang pagpaparehistro ay maaring gawin mula Martes hanggang Sabado alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon kabilang ang mga holiday.

Ang publiko ay pinapayuhang magpa-rehistro muna o mag-download ng application form sa https://comelec.gov.ph bago magtungo sa Comelec Office.

Kailangang sulatan ang form na dadalhin at isusumite sa Comelec.

Pinapayuhan din ang lahat na magdala ng sariling ballpen.

Kailangang magsuot ng face mask, face shield, mag-sanitize at gumamit ng foot bath bago pumasok sa Comelec office.

 

 

 

Read more...