Dagdag na 47,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo August 31, 2020 - 09:33 AM

Simula noong August 1 hanggang ngayong araw August 31 mayroong karagdagan na mahigit 47,000 na mga umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa datos na nakuha ng Radyo INQUIRER mula sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, nakapagtala ng karagdagang 47,467 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Karagdagan ito sa mahigit 54,700 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong July 8 hanggang July 30.

Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na bit.ly/3hJuwuO

Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/309ZvJV

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

 

 

 

 

 

 

TAGS: coast guard, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, non-OFWs, Radyo Inquirer, returning OFWs, RT- PCR tests, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coast guard, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, non-OFWs, Radyo Inquirer, returning OFWs, RT- PCR tests, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.