Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes (Aug. 31) ay 25,377,632 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 219,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa mahigit 6.1 million matapos makapagtala ng mahigit 33,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 15,000 bagong kaso habang mahigit 79,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Peru ay umakyat na sa pang-lima sa mga bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 matapos maungusan ang datos ng South Africa.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 6,172,632
Brazil – 3,862,311
India – 3,619,169
Russia – 990,326
Peru – 647,166
South Africa – 625,056
Colombia – 607,938
Mexico – 591,712
Spain – 455,621
Chile – 409,974