India nakapagtala ng halos 80,000 bagong kaso ng COVID-19

Sa loob ng 24 na oras umabot sa halos 80,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa India.

Ayon sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang total confirmed cases ng COVID-19 sa India ay umabot na sa 3,619,169.

Umabot sa mahigit 79,400 ang nadagdag na bagong kaso.

Samantala, 781,624 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa India, habang mahigit 2.7 million ang gumaling na.

Umabot naman na sa 64,617 ang bilang ng mga nasawi sa India.

 

 

 

Read more...