911 National Call Center isasailalim sa disinfection, dalawang call center agents nagpositibo sa COVID-19

Isasailalim sa disinfection ang 911 National Call Center makaraang dalawang call center agents nito ang magpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, pansamantalang diverted ang mga tawag sa 911 patungo sa local call centers.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, nakasailalim ngayon sa home quarantine ang lahat ng kanilang Emergency Telecommunicators (ETC), kabilang ang sampung Department of Health COVID Hotline agents na nakatalaga sa E911.

Sasailalim din sa PCR tests ang lahat ng tauhan ng National Call Center.

“In order to ensure the health of our personnel, we have adopted this temporary arrangement to continue serving the public with the help of call centers managed by Local Government Units. All of our personnel have undergone PCR tests, are currently under home quarantine, and will return to work as soon as they test negative or have completed the 14-day quarantine,” he said.

Ani Malaya, inaasahang makapagbubukas partially ang 911 sa September 7 at magiging fully operational ito sa September 16.

 

 

 

Read more...