Presyo ng LPG tataas ngayong linggo; presyo ng gasolina may bahagya ding pagtaas
May bahagya muling paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Tinatayang tataas ng 5 hanggang 15 centavos ang kada litro ng gasolina.
Habang bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene ng nasa 5 hanggang 10 centavos kada litro.
Samantala, ang presyo ng Liquified Petroleum Gas o LPG ay may paggalaw din ngayong linggo.
Tataas ng 50 centavos hanggang piso ang presyo ng kada kilo ng LPG.
Katumbas ito ng P5.50 hanggang P11 na dadgag sa kada 11-kilogram LPG cylinder.
Ngayong araw iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng kanilang ipatutupad na price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.