Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (August 30, 3:00 PM) nakapagtala ng 824 na bagong kaso kaya pumalo na sa 20,238 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 4,225
Laguna – 7,582
Batangas – 3,127
Rizal – 4,284
Quezon – 1,020
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 12,855.
Nasa 6,897 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 290 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 1,073
Laguna – 2,628
Batangas – 1,357
Rizal – 1,313
Quezon – 526
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 14 kaya umabot na sa 486 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 87
Laguna – 116
Batangas – 81
Rizal – 167
Quezon – 35
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay