Huli sa akto ang 14 katao sa pagsasabong sa Tondo, Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ito ay nahuli sa kasagsagan ng umiiral na general community quarantine.
Sa ulat ng pulisya, isinagawa ng Raxabago Police Station ang operasyon sa bahagi ng Balut sa Tondo, Sabado ng umaga, August 29.
Nakilala ang mga naaresto na sina Jundy Dosal, Anthony Bontigao, Jimmy Savador, Reynaldo Padon, Gaudy Abrea, Rodolfo Francisco, at Rolando Lim.
Nahuli rin sina Romulo Francisco, Ritchie Tapdasan, Jackson Magallanes, Ralph Bryan Roldan, Patric Duran, Ricky Gimao, at Rodrigo Insigne.
Nakumpiska naman sa mga suspek ang dalawang manok na pang sabong, dalawang steel taring na nakakabit sa manok, at perang nagkakahalaga ng P4,800.
Sa ngayon, nakakulong ang 14 sa Raxabago Police Station.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 (Cockfighting).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.