ASG members tiklo makaraang magtanim ng bomba sa gilid ng kalsada
Arestado ang dalawang pinaghihinalaang mga Abu Sayyaf Group (ASG) bombers matapos na silang maglagay ng bomba sa kahabaan ng highway ng Brgy. Kanague, Kabuntakas sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay AFP Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Alan Arrojado, nagsasagawa ng roadside security operation ang ilan sa kanilang mga sundalo para matiyak na ligtas ang pagbyahe ng miyembro ng Philippine Army doon nang marekober nila ang bomba na itinanim sa kalsada.
Maya-maya napansin ng mga sundalo ang dalawang kahinahinalang lalaki na tumatakbo sa lugar may ilang hakbang lamang ang layo mula sa kinalalagyan ng bomba.
Inaresto ng mga sundalo ang mga suspek pero hindi muna sila pinangalanan.
Sa ngayon, kasalukuyan nang iniimbestigahan ang mga naaresto upang matiyak kung may kaugnayan ang mga ito sa iba pang mga pambobomba sa lugar.
Nasa full alert ngayon ang mga tauhan ng militar dahil sa papalapit na halalan at sunud-sunod na kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.