Rep. Luis “Jon-Jon” Ferrer IV, nagpositibo sa COVID-19

By Angellic Jordan August 30, 2020 - 04:52 PM

Inanunsiyo ni Cavite 6th District Rep. Luis “Jon-Jon” Ferrer IV na positibo siya sa COVID-19.

Ayon sa mambabatas, nitong nakalipas na mga araw, nakaramdam siiya ng flu-like symptoms kung kaya nag-isolate siya at sumailalim sa RT PCR swab test.

Sabado ng gabi, August 29, lumabas aniya ang resulta sa pagsusuri na positibo siya sa nakakahawang sakit.

“Mahirap man po itong tanggapin ay kailangan ko po itong harapin ng buong tatag at pananampalataya sa Diyos para po sa aking pamilya, mga kasama sa serbisyo, at upang ako po ay agarang makabalik sa aking paglilingkod sa inyong lahat,” pahayag ni Ferrer.

Naka-confine aniya siya sa isang medical facility.

Bunsod din nito, sinabi ng mambabatas na pansamantalang isasara ang District Office para sa kaligtasan ng lahat.

Nagsasagawa na rin aniya ng contact tracing ang City Health Office (CHO).

Kasabay nito, nanawagan si Ferrer sa lahat ng kanyang mga nakasalamuha sa nakalipas na 14 na araw na makipag-ugnayan sa CHO at mag-self isolate kung kinakailangan.

“Mabigat man ang hamon ng COVID-19, naniniwala po ako na malalampasan po ito ng inyong lingkod sa tulong ng inyong panalangin,” aniya pa.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Rep. Luis Ferrer IV COVID-19 positive, breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Rep. Luis Ferrer IV COVID-19 positive

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.