Sa Facebook live ni Senator Christopher “Bong” Go, sinabi ng Pangulo na bibisitahin niya ang blast site sa Jolo.
Matatandaang nagkaroon ng magkasunod na pagsabog sa Jolo noong August 24 kung saan humigit-kumulang sa 10 katao ang nasawi.
Nais ng Pangulo na mabigyan man lang ng importansya ang mga pulis at sundalo.
“I’m going to Jolo, diretso ako ngayon sa Jolo, doon sa blast site. Mabigyan ko lang ang mga sandalo natin, mga sundalo ko, mga pulis ko ng importansya sa kanilang kamatayan. I’ll go there to fulfil the duty of a commander in chief. Magti-take off kami tamang tama, eh kaso lang sa ere walang ano, hindi niyo ako mapanuod,” pahayag ng Pangulo.
Nasa Davao si Pangulong Duterte mula noong August 3.
Matapos ang pagbisita sa Jolo, agad na bibiyahe si Pangulong Duterte sa Malakanyang para naman sa nakatakdang virtual conference kay King Abdullah bin Al-Hussein ng Jordan.
Gaganapin ang pag-uusap ng dalawang lider sa Setyembre 2.
Pag-uusapan ng dalawa kung paano ang pagresponde sa COVID-19.
Magkakaroon din ng Talk to the Nation si Pangulong Duterte sa Malakanyang sa August 31.