Dalawang gusali ng Tala Elementary School sa Caloocan, gagawing quarantine facility

Gagawing quarantine facility ang dalawang gusali ng Tala Elementary School sa Caloocan

Sa Facebook post ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan, makikitang nagsagawa ng inspeksyon sa pasilidad, araw ng Sabado (August 29).

Ilalaan ang pasilidad para sa mga mamamayan ng lungsod na tinamaan at may sintomas ng COVID-19 na naghihintay sa resulta ng swab test.

Sinabi ng alkalde na magkakaroon ng healthcare worker na tututok sa kondisyon ng mga pasyente.

Bibigyan din aniya ang mga pasyente ng mga bitamina, libreng pagkain at libreng WiFi connection.

“Tanging pagpapagaling at pagpapalakas na lamang ng kanilang katawan at resistensya ng iisipin nila,” ayon kay Malapitan.

Ang Tala ES quarantine facility ay mayroong 192 bed capacity.

Dagdag pa ito sa 1,030 bed capacity ng quarantine facilities sa Caloocan.

Read more...