P680,000 halaga ng shabu, nakumpiska sa buy-bust operation sa Cebu

Arestado ang dalawang drug suspek sa ikinsang buy-bust operation sa Talisay City, Cebu Sabado ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Sitio Laray, Barangay San Roque bandang 3:20 ng hapon.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kina Marjun Bayo Cabaluna alyas “Rex,” 25-anyos; at Joselito Abejo, 41-anyos.

Nakumpiska sa operasyon ang isang plastic pack na selyado ng masking tape na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang nagkakahalaga ng P680,000 ang ilegal na droga.

Maliban dito, nakuha rin ng mga otoridad ang ginamit na buy bust money, cell phones at iba pang non drug evidence.

Kasong paglabag sa Section 5 at 26b, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa sa dalawang suspek.

Read more...