Aktor na si Chadwick Boseman, pumanaw na

Pumanaw na ang aktor na si Chadwick Boseman sa edad na 43.

Sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account, naglabas ng pahayag ang kaniyang pamilya para ikumpirma ang pagpanaw nito.

Sinabi ng pamilya na na-diagnose ang aktor ng Stage 3 Colon Cancer noong 2016.

“A true fighter, Chadwick persevered through it all, and brought you many of the films you have come to love so much. From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson’s Ma Rainey’s Black Bottom and several more, all were filmed during and between countless surgeries and chemotherapy,” pahayag ng pamilya.

Pumanaw ang aktor sa bahay kasama ang kaniyang asawa at pamilya.

Nagpasalamat naman ang pamilya sa lahat ng nagmahal at nag-alay ng panalangin para sa aktor.

Si Boseman ang gumanap ng kilalang role na “Black Panther” sa Marvel movies.

Read more...