BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, 213,131 na

Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (August 29), umabot na sa 213,131 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 74,611 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,637 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.7 porsyento ang asymptomatic; 0.8 porsyento ang severe habang 1.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos mula sa 102 out of 110 licensed laboratories.

Nasa 94 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 3,419 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 655 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 135,101 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...