Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 3.2 na lindol
By Angellic Jordan August 29, 2020 - 03:24 PM
Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 45 kilometers Northeast ng General Luna dakong 2:32 ng hapon.
6 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa nasabing bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.