Ilang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang probinsya sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:34 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Malabon, Valenzuela at Caloocan sa Metro Manila.

Uulanin din ang Pandi, Bustos, Angat at San Miguel sa Bulacan; Candaba at Santa Ana sa Pampanga.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...