Ito ay kasunod ng naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong August 24.
Tugon ito ng PCG sa direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade na tumulong na matiyak ang kaligtasan sa public transportation hubs sa Metro Manila, lalo na sa mga istasyon ng tren kung saan libu-libong pasahero ang sumasakay.
Kabilang sa deployment ng Coast Guard K9 Teams ay ang K9 handlers, working dogs, veterinarians, at explosive ordnance disposal specialists mula Roosevelt hanggang Baclaran stations.
“Since August 26, our K9 teams have been assisting security forces at the LRT-1 to deter criminal activities through higher visibility, enhance response time, and to make commuter riding experience more secure. Rest assured that your Coast Guard will remain selfless and committed in protecting our riding public against the danger of terrorism,” pahayag ni Ursabia.
Hinikayat din nito ang koordinasyon ng mga commuter sa mga otoridad at manatiling mapagmatyag sa anumang oras.
“We are also enjoining our commuters to immediately report the presence of any suspicious items, activities, or individuals at the vicinity of our train stations. Rest assured that we will immediately perform necessary actions to prevent succeeding threats to public safety and security,” dagdag pa nito.