Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 19,267

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (August 28, 3:00 PM) nakapagtala ng 620 na bagong kaso kaya pumalo na sa 19,267 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 4,178
Laguna – 7,315
Batangas – 2,958
Rizal – 3,824
Quezon – 992

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 12,270.

Nasa 6,526 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 317 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 844
Laguna – 2,611
Batangas – 1,267
Rizal – 1,312
Quezon – 492

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 11 kaya umabot na sa 471 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 78
Laguna – 113
Batangas – 79
Rizal – 166
Quezon – 35

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...