Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 83 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-4:22 hapon ng Biyernes (August 28).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Una ng niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental kaninang 12:45 ng tanghali.

 

Read more...