Bangko Sentral: 2.5% – 3.3% inflation rate maitatala sa Agosto
Sa pagtantiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas posibleng maglaro sa pagitan ng 2.5 hanggang 3.3 percent ang maitalang inflation rate ngayon buwan.
Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno maaring makaapekto sa inflation rate ang pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo, kasama na ang cooking gas.
Ito aniya ay maaring kontrahin naman ng pagbaba ng singil sa kuryente ng Meralco, ang paglakas ng piso kontra sa dolyar at ang hindi paggalaw ng presyo ng mga pagkain.
Pagtitiyak ni Diokno patuloy nilang babantayan ang presyo ng mga bilihin.
Simula noong Mayo sa naitalang 2.1 percent, may pagtaas sa mga presyo sa 2.7 percent noong nakaraang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.