Office of the City Engineer ng Las Pinas, digital na

August 28, 2020 - 02:59 PM

Inilunsad ng Office of the City Engineer (OCE) ng Las Pinas ang kanilang online downloadable forms para sa aplikasyon ng permit sa pagtatayo o konstruksiyon ng gusali, bilang pagbabago sa pag-ayon sa “new normal” at pag-abante ng polisiya ng lokal na pamahalaan ukol sa pagtugon sa pangkalusugan sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Layunin ng sistema na mapagaan ang pampublikong transaksiyon sa pamamagitan ng on-site One-Stop-Shop Building Permit Application, at magbigay ng sentralisadong database para sa mga files ng OCE/Building Official.

Kailangan lamang ng aplikante na i-download ang application forms gamit ang isang default camera o third-party application, i-scan ang QR Code o bisitahin ang link sa pamamagitan ng web browser na https://bit.ly/lpengineeringforms.

Binigyang-diin ni City Engineer Rosabella A. Bantog na buo ang suporta nina Mayor Imelda T. Aguilar at Vice Mayor April Aguilar-Neri sa paglipat sa digital na magpapagaan sa ebolusyon o pagbabago sa pagpoproseso ng aplikasyon ng building permit na nakabatay sa guidelines na itinakda ng Anti-Red Tape Law.

“Ang online application ay magreresulta ng kakaunting harap-harapang transaksiyon o minimal face-to-face transaction bilang pagsunod sa COVID-19 health protocol at gayundin magiging mababa ang tsansa o oportunidad para sa korapsyon,” pahayag ni Engr. Bantog.

Nang lumuwag ang estado ng COVID-19 quarantine sa Metro Manila noong Hulyo,inisyal na nagpatupad ang OCE ng digital processing application para sa Certified Final Electrical Inspection (CFEI) pagkatapos ng kasunduan sa Meralco.

Ang CFEI ay requirement para sa koneksiyon ng kuryente sa residential, commercial o business establishment, health and hospital facilities, at mga paaralan.

 

 

 

 

TAGS: digital, engineering office, Las Piñas City, digital, engineering office, Las Piñas City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.