Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (August 28), umabot na sa 209,544 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 71,745 ang aktibong kaso.
Sinabi ng DOH na 3,999 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.8 porsyento ang asymptomatic; 0.8 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 101 out of 110 licensed laboratories.
Nasa 91 naman ang napaulat na dagdag na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,325 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 510 ang gumaling sa sakit kaya umakyat na sa 134,474 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.