Aamyendahan ng House Bill 7430 ang Local Government Code na tutugma sa recent ruling ng Korte Suprema sa Mandanas case kung saan pinapalawak nito ang base amounts sa computation ng IRA.
Ayon kay Rodriguez, higit na kailangan ng dagdag na pondo ng mga LGUs ngayong may covid-19 pandemic upang tugunan ang health at economic needs ng kanilang mga kababayan.
Sa ilalim ng panukala, kabilang sa national taxes na gagamiting base para sa computation ng dagdag na IRA ay national internal revenue taxes salig sa Section 21 ng National Internal Revenue Code na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC), tariff and customs duties collection ng BoC, 50% ng Value-Added Taxes sa Bangsamoro Autonomous Muslim Region at 30% ng iba pang national taxes na kinokolekta sa Mindanao region.
Sakop din ng base taxes ang 60% ng lahat ng national taxes na nakolekta mula sa exploitation at development ng national wealth, 85% excise taxes mula sa locally manufactured Virginia-type cigarettes at iba pang tobacco products, at 5% ng 25-franchise tax sa horse races.
Dahil dito, makakatanggap ng 23% na IRA ang mga probinsya, 23% din sa mga lungsod, 24% sa mga bayan habang 20% sa mga barangays.