Barangay captain sa Navotas na gumaling sa COVID-19 pumanaw matapos atakihin sa puso

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2020 - 01:57 PM

Isang kapitan ng barangay sa Navotas na dating tinamaan ng COVID-19 ang pumanaw matapos atakihin sa puso.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, pumanaw na si Kap. Ronaldo “Net” Reyes, ng barangay sa Bangkulasi.

Si Reyes ay naka-recover na sa COVID-19 subalit 15 taon na itong may high blood.

Ani Tiangco sa kasagsagan ng laban sa COVID-19, ay kita at dama ang sinseridad ni Kap Net na mapaglingkuran ang kanyang nasasakupan.

Dahil sa sinapit ng kapitan ay nagpaalala si Tiangco sa publiko lalo na sa mga mayroong pre-existing conditions.

“Hindi pa napapatunayan ng siyensya na hindi naapektuhan ng COVID ang ibang organs ng katawan. Kaya sa mga may pre-existing conditions (ibang sakit), doble ingat po,” ayon kay Tiangco.

 

 

TAGS: baranagy bangkulasi, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, navotas, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Ronaldo “Net” Reyes, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, baranagy bangkulasi, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, navotas, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Ronaldo “Net” Reyes, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.