Coast Guard nagpaabot ng pakikiramay sa pumanaw na tauhan

Nakiramay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpanaw ng isa nilang tauhan.

Ayon sa PCG, si Petty Officer Second Class (PO2) Richard A. Gonzales ay kabilang sa 3,600 na PCG personnel na itinalaga bilang frontliner sa kasagsagan ng pagharap ng bansa sa pandemya ng COVID-19.

“The Command will always remember PO2 Gonzales as a COMMITTED AND SELFLESS FRONTLINE PERSONNEL who served with bravery and passion to help others,” ayon sa PCG.

Kasabay nito ay nag-alay ng dasal ang PCG sa mga naulila ni Gonzales.

Ang katawan ni Gonzales ay natagpuang palutang-lutang sa Manila Bay.

Walang nakitang foul play sa pagkamatay ni Gonzales.

Ayon sa kaniyang mga kasamahan, na-depress ito nang magpositibo sa COVID-19.

 

 

 

 

Read more...