4 na bagong bus gagamitin na shuttle services ng MMDA employees

By Jan Escosio August 28, 2020 - 12:24 PM

Ipagagamit ng MMDA ang apat na bagong bus para sa transportasyon ng kanilang mga kawani sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila.

Sinabi ni MMDA Chairman Danny Lim batid nila na limitado pa rin ang pampublikong-transportasyon kay inilagay na sa general community quarantine ang Kalakhang Maynila.

Aniya ang mga air conditioned buses ay may pick up and drop-off points sa Monumento-MCU sa Caloocan City; Coastal Mall sa Parañaque City; Robinsons’ Fairview sa Quezon City; at Sta. Lucia Mall sa Pasig City.

Umaasa si Lim na malaking tulong na rin sa kanilang mga kawani ang apat na bus at hindi na sila mahirapan sa pagpasok at pag uwi mula sa trabaho.

Tiniyak din ng ng opisyal na mahigpit nilang ipapatupad ang basic health protocols sa mga bus gaya ng 50% reduced passenger capacity, physical distancing at pagsusuot ng mask at face shield.

Magkakaroon din ng temperature checks sa mga sasakay sa shuttle service at hindi rin pasasakayin ang mga may sipon, ubo at mataas sa 37.5 degrees Celsius ang init ng katawan.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mmda, MMDA Bus, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Shuttle Service, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mmda, MMDA Bus, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Shuttle Service, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.