Mas pinaagang Philippine-U.S Balikatan exercises kinumpirma ng AFP

By Ruel Perez March 03, 2016 - 03:21 PM

balikatan-0422
Inquirer file photo

Sisimulan ng mas maaga kumpara sa dati ang Philippine-US Balikatan Joint Military Exercises sa mga piling lugar sa Pilipinas.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, ngayong buwan ng Marso ay isasagawa na ang Balikatan upang hindi umano makaapekto sa halalan sa Mayo.

Paliwanag ni Padilla, mahihirapan na umanong hugutin sa kani-kanilang mga binabantayang mga area ang mga sundalo ilang linggo bago ang eleksyon.

Ani Padilla, March 25 sisimulan ang Balikatan at inaasahang matatapos sa unang linggo ng Abril.

Isasagawa ang Balikatan ngayong taon sa Tarlac, Ternate Cavite, Zambales, Clark at sa Palawan kung saan inaasahan libo-libong mga sundalo mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at tropang Kano ang makikilahok.

Inaasahan naman ang pagsasagawa ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo para harangin ang naturang joint military exercises.

TAGS: AFP, philippines, U.S, War games, AFP, philippines, U.S, War games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.