Pagpopondo para sa dagdag na benepisyo sa solo parents aprubado na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon August 28, 2020 - 12:13 PM

Lusot na sa House Committee on Appropriations ang funding provision ng panukala para sa karagdagang benepisyo ng mga solo parents.

Sa ilalim ng substitute bill, makakakuha ng 10% na discount ang mga solo parents sa iba’t ibang basic needs kasama na ang clothing materials, food and micro nutrient supplement at gamot para sa kanilang mga anak na anim na taong gulang pababa.

Entitled din ang mga solo parents sa 7 araw na paid parental leave ano man ang kanilang employment status.

Mahaharap naman sa parusang pagkakakulong ng hanggang isang taon at o multa na P10,000 hanggang P50,000 ang ano mang korporasyon, ahensya o kompanya na bigong ipatupad ang benepisyo para sa mga solo parents.

Ang alokasyon ng pondo para sa mga benepisyo ay isasama sa taunang badyet ng mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng General Appropriations Act.

Ikinalugod naman ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang naturang hakbang.

Aniya malaking tulong kung agad itong maisasabatas dahil sa mabigat na pasanin para sa mga solo parents ang kawalan ng trabaho at ayuda sa gitna ng COVID-19 crisis.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, paid parental leave, Radyo Inquirer, solo parents, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, paid parental leave, Radyo Inquirer, solo parents, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.