OB-GYN ward ng Quezon Medical Center isinailalim sa total lockdown
Isinailalim sa total lockdown ang OB-GYN ward ng Quezon Medical Center.
Ito ay makaraang makapagtala ng mga kaso ng COVID-19 sa mga buntis nilang pasyente.
Ayon kay Dr. Belen Garana, head ng QMC OB-GYN department, ang lockdown ay iiral mula August 31 hanggang September 14.
Hindi naman binanggit ni Garana kung ilan na ang mga buntis nilang pasyente na na-infect ng sakit.
Dalawa din sa duktor nila ang positibo sa COVID-19.
Habang mayroon pang ibang staff ng OB emergency at delivery rooms ang na-expose sa mga COVID-19 positive.
Habang nakasailalim sa lockdown, hindi muna tatanggap ng pasyente ang OB-GYN department.
Patuloy namang bibigyan ng atensyong medikal ang mga naka-admit na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.