Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Aug. 28) ay 24,605,876 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 263,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa mahigit 6 na milyon matapos makapagtala ng mahigit 46,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 42,000 bagong kaso habang mahigit 76,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Colombia ay umakyat na sa pang-pito sa mga bansang may pinakamaraming kaso, matapos maungusan ang datos ng Mexico.
Ang Pilipinas ay nananatili sa pang-22 sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 3,722,004
India – 3,384,575
Russia – 975,576
South Africa – 618,286
Peru – 613,378
Colombia – 582,022
Mexico – 573,888
Spain – 451,792
Chile – 404,102