46 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Pateros

Nakapagtala ng 46 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pateros.

Sa update mula sa Facebook Page ng Pateros, 1,114 na ang total confirmed cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 636 ang gumaling at 466 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 12 na naitalang pumanaw.

Ang Barangay Sta. Ana ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso na umabot na sa 422.

Mayroon na lamang 206 na active cases ang nasabing barangay.

 

 

Read more...