Zoom sex scandal ng Cavite barangay execs iimbestigahan ng DILG

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2020 - 08:14 AM

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa “zoom sex scandal” ng kapitan ng barangay at kaniyang barangay secretary sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon kay Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, magpapadala na sila ng investigation team sa Barangay Fatima Dos.

Tinawag ni Malaya na “disturbing” ang naturang insidente na aniya ay labag sa “public morals” at Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.

“If true, this is unbecoming of an elected government official. Tinitiyak po naming iimbestigahan ang insidenting ito at pananagutin ang barangay captain ng kung anong karampatang parusa ng batas sa inasal niya,” ani Malaya.

Sinabi ni Malaya na hindi ito kukunsintihin ng DILG sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Eduardo M. Año ang mga ganitong uri ng obscene behaviour sa panig ng mga local government official.

Ang investigation team ng DILG ay kailangang makapagsumite ng report sa gagawing imbestigasyon sa lalong madaling panahon para matukoy ang isasampang reklamo laban sa kapitan at kaniyang “partner”.

Isasampa ang reklamo sa Office of the Ombudsman at sa Sangguniang Panlungsod ng Dasmariñas.

Hinimok din ni Malaya ang Dasmariñas City Government na magsagawa din ng sariling imbestigasyon sa kapitan ng barangay.

“If all evidence point to the culpability of Kap Estil, he can be slapped with administrative cases and may even be removed from his position as barangay captain. Public office is a public trust. Hindi kayo binoto ng mga kababayan ninyo para maging source ng iskandalo kundi para maglingkod,” dagdag ni Malaya.

Nangyari ang insidente sa loob mismo ng Barangay Hall kung saan nakatakda dapat na magsagawa ng online zoom meeting sa Brgy. Fatima 2 para pag-usapan ang COVID-19 pandemic.

Inakala umano ng kapitan ng barangay na hindi pa naka-on ang kaniyang camera at doon nakita sa zoom meeting ang pagtatalik ng dalawa.

 

 

 

TAGS: barangay captain, DILG, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, zoom sex scandal, barangay captain, DILG, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, zoom sex scandal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.