Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 79 na bagong kaso ng sakit kahapon (Aug. 27).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 18,659 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,192 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,100 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 86 dahilan para umabot na sa 15,367 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,566 cases.
READ NEXT
Binawasang budget para sa sektor ng agrikultura sa taong 2021 nakababahala ayon kay Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat
MOST READ
LATEST STORIES