Tatlo, sugatan sa pamamaril sa Muslim compound sa Quezon City

crime-scene-e1400865926320Nasugatan ang tatlong katao kabilang ang lider ng isang Muslim group sa pamamaril na naganap sa Baragay Culiat sa Quezon City.

Nangyari ang insidente sa Salam compound pasado alas 11:00 ng umaga ng Huwebes.

Nag-ugat ang tensiyon matapos itimbre sa mga pulis ang paglutang sa lugar ng murder suspek na kinilala lamang sa alyas na “Kenken” na kaagad namang nahuli ng mga pulis ng kagabi.

Pero ayon kay Sarip Juhor Hali, tumatayong lider sa Salam Compound, gumanti ang mga kaanak ni “Kenken” sa mga hinihinala nilang nag-tip sa pulis.

Kanina, bigla na lamang pinaputukan ng mga kaanak ni “Kenken” grupo ni Hali sa hinalang sila ang nagsumbong sa pulisya.

Nagtamo ng tama ng bala si Hali at dalawang iba pa, pero hindi naman seryoso ang kanilang kondisyon.

Tinamaan din sa pamamaril ang salamin, bintana at gate ng harapang bahagi ng Mosque sa Salam Compound.

Napahupa lamang ang sitwasyon nang rumesponde ang mga pulis mula sa QCPD.

Hawak na ng pulisya ang mga nasangkot sa barilan.

Read more...