outbrain

NBA games suspendido pa rin ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2020 - 06:11 AM

Suspendido pa rin ang mga laban sa NBA playoff ngayong araw.

Umaasa naman ang liga na bukas (Biyernes, oras sa Amerika) o sa Sabado ay makapagre-resume na ang playoff games.

Sa inilabas na pahayag ni NBA executive vice president Mike Bass sinabi nitong sa ikalawang sunod na araw ay walang magaganap na post-season games.

Ito ay kasunod ng pagdedesisyon ng team na Milwaukee Bucks na hindi maglaro kahapon bilang pakikiisa sa mga protesta sa pamamaril sa African-American man na si Jacob Blake sa Wisconsin.

Ayon kay Bass, magkakaroon ng video conference call meeting ngayong araw sa pagitan ng grupo ng mga NBA players at team governors ng 13 teams.

Kasama din sa pulong ang mga kinatawan ng National Basketball Players Association at maging si NBA Labor Relations Committee Chairman Michael Jordan.

 

 

TAGS: game suspension, Inquirer News, Jacob Blake, NBA games, NBA playoffs, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, game suspension, Inquirer News, Jacob Blake, NBA games, NBA playoffs, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.