Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 31 kilometers southeast ng bayan ng Bayabas, alas-3:50 madaling araw ng Biyernes (August 28).

May lalim na 26 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...