La Niña, posibleng magsimula sa Setyembre o Oktubre – PAGASA

May posibilidad na magsimula ang La Niña sa bansa sa huling linggo ng susunod na buwan o sa Oktubre, ayon sa PAGASA.

Ayon kay weather specialist Ariel Rojas, maaaring 60 porsyento ang posibilidad ng La Niña o ang pagkakaroon ng mas maraming pag-ulan.

“Hindi naman ibig sabihin agad agad makatatanggap ang ating bansa ng malalakas na pag-ulan. Wala tayong makikitang malawakang pagbaha. Ibig sabihin lang mas mataas sa normal, di naman walang humpay na mga pag-ulan,” paliwanag ni Rojas.

Aniya, ang La Niña ay maaaring tumagal ng isang taon o aabot ito sa 2021.

Noong buwan pa ng Marso, sinimulan ng ahensiya ang pagsubaybay sa posibleng pagkakaroon ng naturang weather phenomenon sa taong 2020.

Read more...