Naitalang aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa Masbate, 465 na

Patuloy na nakararanas ng aftershocks sa bahagi ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, umabot na sa 465 ang naitalang aftershocks sa nasabing lalawigan.

Ito ay matapos ang tumamang magnitude 6.6 na lindol sa bayan ng Cataingan noong August 18.

Ang nasabing bilang ng aftershocks ay naitala hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (August 27).

Umaabot sa magnitude 1.6 hanggang 5.1 ang lakas ng mga naitatalang aftershocks.

Read more...