Unang COVID-focused Telemedicine, inilunsad sa Quezon City
By Angellic Jordan August 27, 2020 - 08:10 PM
Inilunsad ng Quezon City government ang unang COVID-focused Telemedicine.
Sinabi ng QC government na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).
Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng kagawaran upang magamit sa HOPE Facilities at health centers.
Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang mga pasyenteng apektado ng COVID-19 at mga doktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.