Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa Rizal, umabot na sa 3,407

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Miyerkules, August 26), nadagdagan ng 88 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 3,407.

Sa nasabing bilang 1,172 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 210 kung saan tatlo ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 4,789.

Read more...