Nadagdagan pa ng 82 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (August 27) 3,751 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
651 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,908 ang suspected cases.
Tatlo namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,629 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.