Bagac, Bataan niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Bataan.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 38 kilometers Southwest ng Bagac bandang 4:25 ng hapon.

75 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...